Ang Santo Niño ng Cebu na dinala ni Ferdinand Magellan noong1521.
Habang panahon ng rebolusyon laban sa Katolisismo sa kanlurang bahagi ng mundo, dumating ang relihiyon sa mga dalampasigan ng Pilipinas. Noong 1563, dumating si Kastilang Hari Philip II. Siya ay isang taong napakarehilisyoso, isang tradisyon na tinuloy niya galing pa sa tatay niyang si Charles V, ang Romang emperador na namuno bilang Carlos Primero ng España. Nangako siyang ipagtanggol ang relihiyong Katoliko.
Ang simabahang Katolika na dinala sa Pilipinas ay mayroong estilong baroque. May politikal na dahilan ito -- ang Kastilang hilig ng rangya at kagarbohang pagtatanghal.
Noong dumating si Ferdinand Magellan sa Pilipinas, dala dala niya ang Krus at isa pang bagay -- ang Santo Niño. Marami itong sinisimbolo:
Ang batang prinsipe ay humahawak ng mga sagisag ng hari. Ang korona sa ulo niya ay sumisimbolo sa materyal na yaman ng mga Kastila. Rinerepresenta ng baston niya ang kapangyarihan at karapatang magpabahagi ng katarungan na hawak nila. Ang bagay na bilog (orb) na karga niya ay nagpapakita ng dalawang imahen -- ang pamamayani ng Santo Niño sa buong mundo at ang kapangyarihang mamuno ng mga Kastila sa maraming parte ng mundo bilang taga-tanggol ng paniniwala sa Diyos.
Isang linggo lamang pagkatapos ng pagdating ni Magellan, pinabinyag na sina Raja Humabon at ang kanyang asawa noong ika-14 ng Abril, 1521. Isang regalo na binigay sa kanya ang Santo Niño.
Epekto sa Kultura at ang Sinulog Festival
Hanggang ngayon, napakasikat pa rin ang Santo Niño; nakikita ito sa mga gusali, bahay, simbahan, at marami pang iba't ibang lugar sa Pilipinas. Ang debosyon sa Niño ay napakapopular pa rin sa Pilipinas at lalo pa sa Cebu. Ang selebrasyong tinatawag na Sinulog ay gumaganap bawat pangatlong Linggo ng Enero sa Cebu.
Ang pundamental na konsepto ng Sinulog ay na ito ay isang selebrasyon na tumatanda sa nakaraang paganong kultura ng mga Pilipino at ang makabagong pagtanggap ng Katolisismo. Napakamaligaya at masaya ang atmospera ng piyesta. Mayroong mga sumasayaw na nagsusuot ng makulay at madisenyong tradisyunal na pananamit sa tunog ng mga trumpeta, bombo, tambol, at natibong gong. Punung-puno ng mga tindero at tindera ang mga kanto-kanto at gilid ng daanan.
Maliban sa makulay na pagsasayaw at selebrasyon, mayroon ding SME Trade Fair kung saan napapakita sa lahat ang mga produktong Cebu na export quality.
Mas maliit na bersyones ng piyesta ay hinahawak sa iba pang parte ng probinsya. Dahil sa popularidad ng piyesta, nagiging isang tourist attraction ito ngayon at maraming tao, kapwa lokal at dayuhan, ay pumupunta sa Cebu para makaranas ng Sinulog.
Videong Sinulog Festival 2010
Pinagmulan ng Impormasyon at Pangkaragdagang Pagbabasa:
Farrales, Benjamin. Santo Niño: The Holy Child Devotion in the Philippines. Ed. Abe Florendo. Manila: Congregacion Del Santisimo Nombre Del Niño Jesus, 2001. Imprenta. http://www.sinulog.ph/index.php/about/
Santo Niño
Ang simabahang Katolika na dinala sa Pilipinas ay mayroong estilong baroque. May politikal na dahilan ito -- ang Kastilang hilig ng rangya at kagarbohang pagtatanghal.
Noong dumating si Ferdinand Magellan sa Pilipinas, dala dala niya ang Krus at isa pang bagay -- ang Santo Niño. Marami itong sinisimbolo:
Ang batang prinsipe ay humahawak ng mga sagisag ng hari. Ang korona sa ulo niya ay sumisimbolo sa materyal na yaman ng mga Kastila. Rinerepresenta ng baston niya ang kapangyarihan at karapatang magpabahagi ng katarungan na hawak nila. Ang bagay na bilog (orb) na karga niya ay nagpapakita ng dalawang imahen -- ang pamamayani ng Santo Niño sa buong mundo at ang kapangyarihang mamuno ng mga Kastila sa maraming parte ng mundo bilang taga-tanggol ng paniniwala sa Diyos.
Isang linggo lamang pagkatapos ng pagdating ni Magellan, pinabinyag na sina Raja Humabon at ang kanyang asawa noong ika-14 ng Abril, 1521. Isang regalo na binigay sa kanya ang Santo Niño.
Epekto sa Kultura at ang Sinulog Festival
Hanggang ngayon, napakasikat pa rin ang Santo Niño; nakikita ito sa mga gusali, bahay, simbahan, at marami pang iba't ibang lugar sa Pilipinas. Ang debosyon sa Niño ay napakapopular pa rin sa Pilipinas at lalo pa sa Cebu. Ang selebrasyong tinatawag na Sinulog ay gumaganap bawat pangatlong Linggo ng Enero sa Cebu.
Ang pundamental na konsepto ng Sinulog ay na ito ay isang selebrasyon na tumatanda sa nakaraang paganong kultura ng mga Pilipino at ang makabagong pagtanggap ng Katolisismo. Napakamaligaya at masaya ang atmospera ng piyesta. Mayroong mga sumasayaw na nagsusuot ng makulay at madisenyong tradisyunal na pananamit sa tunog ng mga trumpeta, bombo, tambol, at natibong gong. Punung-puno ng mga tindero at tindera ang mga kanto-kanto at gilid ng daanan.
Maliban sa makulay na pagsasayaw at selebrasyon, mayroon ding SME Trade Fair kung saan napapakita sa lahat ang mga produktong Cebu na export quality.
Mas maliit na bersyones ng piyesta ay hinahawak sa iba pang parte ng probinsya. Dahil sa popularidad ng piyesta, nagiging isang tourist attraction ito ngayon at maraming tao, kapwa lokal at dayuhan, ay pumupunta sa Cebu para makaranas ng Sinulog.
Video ng Sinulog Festival 2010
Pinagmulan ng Impormasyon at Pangkaragdagang Pagbabasa:
Farrales, Benjamin. Santo Niño: The Holy Child Devotion in the Philippines. Ed. Abe Florendo. Manila: Congregacion Del Santisimo Nombre Del Niño Jesus, 2001. Imprenta.
http://www.sinulog.ph/index.php/about/